VP Sara bakit takot sa impeachment ?

Sa wakas ay nagsalita na rin mismo si Pangulong Bongbong Marcos Jr. patungkol sa isyu ng umanoy tangkang impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Mismong si Pangulong Marcos Jr. ang nagbuking na mayroongbanta ng impeachment laban kay VP Sara.

Pero tiniyak ng Pangulo na hindi daw nya papayagan na ma impeach ang kaniyang VP at education secretary dahil hindi daw ito nararapat.

Nilinaw ni Pangulong Marcos Jr. na normal na naman daw sa kanilang matataas na opisyal ang nasasampahan ng kasong impeachment pero sa pagkakataong ito ay kanyang babantayan daw at hindi pahihintulutan.

Dahil dito ay naglabas agad ng pahayag sa publiko si VP Sara na nanatili daw ang kaniyang tiwala sa Pangulo dahil nagbigay ng katiyakan na hindi uusad ang impeachment sa House of Representatives.

Pero bakit kailangang matakot si VP Sara sa anuman banta ng impeachment kung wala naman itong ginawang lantaran na pag labag sa Konstitusyon na maaring maging dahilan ng papapatalsik sa puwesto.

Kung kung walang nilabag na batas ay kahit pa magsampa ng impeachment ang mga mambabatas ay hindi ito magtatagumpay.

Pero sa tindi ng dumi ng politika dito sa Pilipinas ay mahirap nga naman na maging kampante si VP Sara kahit pa wala siyang ginawang paglabag sa batas.

Dito sa Pilipinas ay nagagawang baluktutin ang tuwid o ang mali ấy gawing tama dahil nga sa maruming uri ng politika at mga politiko sa bansa.

The post VP Sara bakit takot sa impeachment ? first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments