Nakahanda ang Office of the Solicitor General (OSG) na makipagtulungan sa anumang imbestigasyon sakaling ituloy ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagsasampa ng kaso laban sa mga dayuhan na ilegal na nakakuha ng Philippine passport.
Ayon kay Solicitor General Menardo Guevarra, hindi pa masyadong talamak ang isyu sa pagkuha ng mga dayuhan ng Philippine passport subalit aminado itong lumalala na ito.
Kung sindikato umano ang nasa likod ng operasyon nito, sinabi ni Guevarra na dapat bumuo ng inter-agency task force para harapin ang problemang ito.
“I suppose that, I do not want to preempt the DFA, but in time, I’m sure that a certain task force may have to be created, to be composed not only by the DFA, but by other local enforcement agencies as well, and probably including also the OSG,” sabi ni Guevarra sa panayam ng mga reporter sa Senado.
Nakahanda aniya ang OSG na pangunahang ang paghahain ng kaso laban sa mga dayuhan na nakakuha ng Philippine citizenship na isa ring requirement para sa pagkuha ng pasaporte sa bansa.
“The cancellation of passport will be done administratively by the DFA, but when the issue goes deeper into a question of, for example, citizenship, na meron nang claim of citizenship on the basis of a genuine passport held, then it’s the OSG that will take the lead in filing the appropriate judicial action to question the citizenship of that person,” ayon kay Guevarra.
Babala ni Guevarra na huhubaran ng Philippine citizenship ang mga dayuhan na nakakuha nito sa pamamagitan ng panloloko at gagawin ito ng kanyang tanggapan bilang abogado ng bansa. (Dindo Matining)
The post Solicitor General papasukin passport scam first appeared on Abante Tonite.
0 Comments