Trike driver walang lisensya, lumabag pa sa traffic light

Arestado ang isang tricycle driver sa Ermita, Manila matapos mahuling nagmamaneho nang walang lisensya.

Ayon pa sa Manila Police District (MPD) huli rin dahil sa “beating the red light” ang suspek na si Joselito Vihick, 33 anyos.

Nagmamaneho sa Mabinit St. sa UN Avenue sa Ermita ang suspek nang makita ito mismo ng traffic enforcer na si Andrey Macapagal na lumalabag sa traffic lights.

Napag-alaman na si Vihick din pala ang suspek sa likod ng paniningil ng P500 sa isang Australian vlogger na sumakay sa kanya mula Adriatico St., patungong Robinsons Mall.

Nag-viral ang video dahil sa labis na singil at pagmamalabis ng tricycle driver.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 4136 o Land Transportation and Traffic Code.

Dinala naman sa impounding area ng Manila Traffic And Parking Bureau (MTPB) ang kanyang plate number na 136NII.

(Natalia Antonio)

The post Trike driver walang lisensya, lumabag pa sa traffic light first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments