Posibleng pumalo sa 12°C ang temperatura ngayong buwan ng Disyembre sa mga matataas na lugar sa bansa dulot ng Northeast monsoon o Hanging Amihan.
Ayon sa PAGASA, maaaring pumalo sa 17°C hanggang 36°C ang temperatura sa Metro Manila.
Karaniwang nararamdaman ang mas malamig na panahon tuwing sasapit ang Disyembre hanggang Pebrero.
Bagamat wala pang inaasahang papasok na bagyo sa bansa, sinabi ng PAGASA na makakaapekto ang Northeast monsoon sa Northern Luzon na magdadala ng pag-ulan.
Makakaapekto naman sa lagay ng panahon sa Southern Luzon, Visayas at Mindanao ang easterlies.
Asahan ang maulap na panahon na may kalat-kalat na pag-ulan sa Ilocos Region, natitirang bahagi ng Cordillera Administrative Region at Cagayan Valley.
Samantala, makakaranas naman ng kalat-kalat na pag-ulan ang Metro Manila.
(Natalia Antonio)
The post Lamig sa Pinas, papalo sa 12°c – Pagasa first appeared on Abante Tonite.
0 Comments