Agarang ipina-cremate noong Sabado si retired Gen. Camilo Pancratius Pascua Cascolan, dating Chief ng Philippine National Police at Undersecretary ng Department of Health, sa kabila ng kahilingan ng mga kapatid nito sa National Bureau of Investigation na ipa-autopsy ang bangkay nito.
“No autopsy was performed on the former police general because the immediate family of the deceased declined to give its consent for the examination,’’ ayon sa isiniwalat ng source ng Bilyonaryo.com sa NBI.
Ang pagkamatay ng dating PNP chief ay inianunsiyo ng kanyang adopted son na si Jiro sa Facebook post noong Biyernes nang gabi, Nobyembre 24.
Ang multi-awarded former police general ay namatay noong Biyernes nang hapon, siya ay 59-anyos at isang necrological honors ang ibinigay ng kanyang kasamahan sa trabaho sa Camp Crame, Martes nang gabi.
Isang kamag-anak ng dating PNP chief ang nagsabi sa Bilyonaryo na isang linggo bago namatay si Cascolan, ang mga ka¬patid nito ay nagtungo sa NBI upang mag-follow up sa finile nilang request noong July na masiyasat ang confinement ng police general sa ospital.
“The siblings asked NBI to conduct an investigation on the predicament of Cascolan after months of hospital confinement following a supposed heart attack,’’ ayon sa source.
“He (Cascolan) suspected he was being poisoned, and told his siblings about his apprehension, thus the NBI involvement,’’ dagdag pa ng source.
Ayon naman sa ilang kamag-anak na nakakaalam sa isinampang reklamo, hiniling na umano ng NBI ang medical records ni Cascolan sa St. Luke’s Global kung saan ito na-confine bilang bahagi ng kanilang imbes¬tigasyon pero wala pa silang natatanggap na tugon mula sa ospital.
“Until now, the hospital has yet to furnish NBI Cascolan medical records,’’ sabi pa ng source.
Tiniyak naman ng NBI na patuloy silang magsisiyasat sa isyu ng pagkamatay ni Cascolan dahil sa isinampang complaint ng kanyang mga kapatid.
Si Cascolan ay isa sa mastermind ng Oplan Tokhang ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na pinipilit ngayon ng ilang mambabatas na mapaimbestigahan ng International Criminal Court. (Nancy Carvajal)
The post Utak ng tokhang dudang iniligpit first appeared on Abante Tonite.
0 Comments