Bebot 2 beses tinuklaw ng ahas, todas

Dedbol ang 58-anyos na babae matapos siyang matuklaw ng ahas nang dalawang beses sa bukid sa San Carlos City, Pangasinan noong Martes.

Kinilala ng San Carlos City Police Station (SCPS) ang nasawing si Mercedes Exiomo, ng nasabing bayan.

Sa report, ayon sa SCPS, sinabi ng mga kaanak ni Exiomo, napunta umano sa bukid ang biktima upang mamili ng mga gulay na ibebenta ito.

“Sa una hindi malalim ang pagkagat, hindi nga pinansin ni tita. Tapos kumagat ulit, malalim na, may dugo na akong nakita,” ani Bernadette Fabia, pamangkin ng biktima.

Agad na dinala sa ospital si Exiomo pero patay ito makaraan ang ilang oras.

Ayon sa death certificate ng ospital, nakasaad na snakebite with signs of severe envenomation ang sanhi ng pagkamatay ng biktima.

Samantala, ayon sa Center for Health Development-Region 1 (CHD-R1), hindi si Exiomo ang unang biktima na nasawi sa lugar dahil sa tuklaw ng ahas.

(Allan Bergonia)

The post Bebot 2 beses tinuklaw ng ahas, todas first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments