Diana inisnab sa isang luxury store

Ibinahagi ni Diana Zubiri ang hindi niya malilimutang karanasan sa isang Louis Vuitton store sa Australia.

Ito raw iyong pagkakataong nakaranas siya ng discrimination ng store personnel habang kasama ang kanyang biyenan.

Aniya sa isang vlog, tumatak daw sa kanya ang pagmemenos ng nasabing store.

“Nakapang-workout gear lang ako tapos ‘yung mother-in-law ko rin hindi masyado, alam mo na, typical na Australian, simple lang ‘yung damit. So pumasok kami sa store na ‘to, nagtanong kami, nag-inquire kami magkano kasi walang presyo, tapos hindi kami pinapansin,” pa-throwback niya.

“Tapos ‘yung pangawalang tanong namin, sabi ‘You wait for your turn until may bakante, ganyan.’ Naintindihan naman namin pero parang sana maayos lang ‘yung pagkakasabi kasi it’s not maayos, na parang nagmamadali sila, na parang hindi sila interesado sa amin kasi ganon lang ‘yung itsura namin. Ganon ‘yung na-feel ko,” dagdag niya.

Sey pa niya, napilitan daw silang mag-walk out dahil sa poor customer service na naranasan.

“Pwede naman sabihin ‘We’re not available yet,’ kasi kulang talaga sa tao kumbaga parang ang ini-expect ko lang na sabihin, ‘One moment please,’ basta maayos, basta pleasant so nagwalk-out na lang kami,” bulalas niya.

Gayunpaman, noong bumalik daw siya na postura ang suot ay iba na ang naging treatment sa kanya kinabukasan.

Sa Pinay celebrities, hindi lang si Diana ang nakaranas na ma-discriminate sa mga luxury store.

Nangyari rin ito sa Asia’s Songbird na si Regine Velasquez noong 2019 sa isang LV store sa New York City.

Iba naman ang naging karanasan ng Megastar na si Sharon Cuneta sa Hermes pero winelcome sa Louis Vuitton store sa South Korea noong nakaraang taon.

The post Diana inisnab sa isang luxury store first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments