El Niño pinakamatindi sa April 2024 – DOST

Magdudulot ng tagtuyot sa 63 probinsya sa bansa ang El Niño phenomenon na mararanasan umano ang pinakamatinding epekto sa Abril 2024, sabi ng Department of Science and Technology (DOST).

Ayon kay DOST Secretary Renato Solidum Jr., mararamdaman ang epekto ng El Niño sa unang limang buwan ng 2024.

“But the peak of El Niño, in terms of drought, will be April of 2024, which is slightly different from the forecast last week or two weeks ago, that it will be May,” ayon kay Solidum.

Nasa 12 probinsya naman ang makakaranas ng dry spell. Ibig sabihin, asahan ang mas mababa aniya sa average na pag-ulan.

Hindi naman maapektuhan ng dry spell ang Caraga at Davao Oriental.

Hinimok ni Solidum ang publiko na magtipid sa paggamit ng tubig at kuryente.

The post El Niño pinakamatindi sa April 2024 – DOST first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments