Jonica, Lester game sa ‘Higop’

Isa sa mga bagong mukha na palaban sa Vivamax ay ang maganda at super sweet na si Jonica Lazo.

Bagamat baguhan sa industriya ay game naman ang karakter niya sa pelikulang “HIGOP” .Ito ay mula sa direksyon ni Topel Lee.

Gumanap siya bilang asawa ni Van Allen Ong. Walang takot at palaban din ang mga sexy scenes niya kasama ang aktor na si Josef Elizalde.

Ang Higop ay pinagbibidahan ni Angelica Hart na mapapanood na sa December 15 exclusively on Vivamax.

Samantala, isa pang game umarte sa pelikula ay ang actor/musician na si Lester Llansang. Hindi ito ang unang Vivamax film na kasama siya.
Napanood na rin siya sa pelikulang ‘Hugas’ at ‘Siklo’. Bagamat lumalabas siya sa mga Vivamax film ay hindi naman ito nagpapa-sexy.

Under Viva Artist Agency na rin si Lester na co-manage ni Mark Grabador. Bukod sa pag-arte ay musika rin ang kanyang pinagkakaabalahan. May banda siya na aminadong isa ito sa bread and butter niya.

Kilala si Lester na mahusay na batang aktor at nanalo noon ng best child actor sa FAMAS.

Napanood din siya sa FPJ’s Ang Probinsyano’ at ‘Suntok sa Buwan’ ni Aga Muhlach sa TV5.

The post Jonica, Lester game sa ‘Higop’ first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments