Kamara niraratsada P7.2 trillion budget

Inaprubahan ng Kamara de Representantes sa ikalawang pagbasa nitong Miyerkoles ng gabi, Oktubre 7, ang panukalang P7.2 trilyong pambansang budget para sa 2027.

Idineklara ni House Deputy Speaker at Iloilo Rep. Janette Garin, ang presiding officer ng sesyon, na nanalo ang mga bumoto ng “ayes” sa viva voce voting para aprubahan ang House Bill No. 10858, kasama ang mga amiyenda rito.

Bago isinagawa ang botohan sa ikalawang pagbasa, inaprubahan ng Kamara ang mosyon na palitan ang House Bill No. 10858 ng bersyong isinumite ng Budget Amendments Review Subcommittee (BARSC) ng House Committee on Appropriations, na naglalaman ng amiyenda na nagkakahalaga ng P116 bilyon.

Kabilang sa mga amiyenda ang karagdagang P500 milyon para sa School Safety and Security, P50 milyon sa Madrasah Education Program, P75 milyon sa Special Needs Education Program, P25 milyon sa Indigenous People Education Program, P350 milyon sa Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Program, at P952 milyon para sa Basic Education

Sa halip na i-adjourn ang plenary session nitong Miyerkoles, pinalawig ng Kamara ang sesyon hanggang Lunes, Oktubre 12, upang maipasa ang HB 10585 sa ikatlo at huling pagbasa bago ang unang recess ng second regular session ng 20th Congress. (Billy Begas)

The post Kamara niraratsada P7.2 trillion budget first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments