Walang nakikitang anumang sama ng panahon o low pressure area (LPA) sa labas at loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Asahan ang magandang panahon sa malaking bahagi ng bansa, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Makakaranas ng mainit na hangin mula sa Pacific Ocean dulot ng easterlies.
Gayunpaman maaari pa ring makaranas ng bahagyang pag-ulan sa Metro Manila at natirirang bahagi ng bansa.
Mararamdaman naman ang hanging amihan o northeast monsoon sa Batanes at Babuyan Islands kaya asahan ang maulap na panahon na may kalat kalat na pag-ulan. (Natalia Antonio)
The post Maaliwalas na weder asahan – Pagasa first appeared on Abante Tonite.
0 Comments