MMDA kasado na sa tigil pasada

Tiniyak ng Metropolitan Manila Development Aurhority (MMDA) na nakahanda silang tumugon sakaling magpatuloy ang tigil-pasada ng grupo ng transportasyon sa susunod na dalawang linggo.

Ayon kay MMDA Chairman Romando Artes, nakahanda ang ahensya na magbigay ng libreng sakay para sa mga pasaherong maaaring maapektuhan ng protesta.

Mayroon umanong inter agency task force para sa tigil-pasada monitoring and command center sa MMDA na binubuo ng iba’t ibang ahensya na tumutugon kung may pangangailangan sa masasakyan.

“Kung sasabihin po nila na two weeks yung kanilang tigil pasada, ay two weeks din po na nakahanda po tayo para iminimize po yung inconvenience sa riding public,” pahayag ni Artes.

Samantala, iginiit ni Artes na normal ang pagdagsa ng mga pasahero at hindi epekto ng tigil-pasada ang matinding trapiko sa Metro Manila nitong weekend. (Betchai Julian)

The post MMDA kasado na sa tigil pasada first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments