Surigao del Sur inuga ng magnitude 5.2

Niyanig ng magnitude 5.2 na lindol ang Surigao del Sur nitong Huwebes ng hapon.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), alas-12:45 ng hapon (December 7) nang maramdaman ang tectonic na lindol sa bayan ng Marihatag na may lalim na anim na kilometro.

Naramdaman ang Intensity III sa Bislig, Surigao del Sur; Intensity II – sa Tandag City, Surigao del Sur; Intensity I – Bislig CIty, Surigao del Sur; Nabunturan, Davao De Oro; Gingoog City, Misamis Oriental.

Nakapagtala ang Phivolcs ng 1,692 aftershocks mula sa nasabing lindol.

Sinabi ng Phivolcs na walang inaasahang pinsala ngunit posible ang mga susunod pang aftershocks.

Ang lindol ang pinakahuling tumama sa lalawigan ng Surigao del Sur matapos ang magnitude 7.4 sa Hinatuan noong Sabado ng gabi na ikinasawi ng tatlong katao at apektado ang 200,228 indibidwal o 57,893 pamilya.

(Dolly Cabreza)

The post Surigao del Sur inuga ng magnitude 5.2 first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments