3 buwan nakulong sa Malaysia; 5 Pinay nakauwi na

Dumating na sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3 ang limang Pinay na biktima ng trafficking, ayon sa mga ahente ng Bureau of Immigration (BI).

Sa ulat, ang lima ay nakulong ng tatlong buwan sa Malaysia dahil sa kanilang pagiging undocumented overseas workers.

Ang mga biktima, na itinago ang mga pagkakakilanlan para sa kanilang proteksyon, ay hinikayat umano na maging waitress sa pamamagitan ng isang Facebook post.

Sa salaysay ng mga biktima, hiwalay silang umalis patungong Kota Kinabalu sakay ng ferry mula Zamboanga dahil umiiwas sa inspeksyon ng imigrasyon. Ang kanilang mga pasaporte ay hindi umano pormal na naproseso.

Ikinalungkot naman ni BI Commissioner Norman Tansingco ang insidente, at binigyang-diin ang mga kahihinatnan ng undocumented travel at ang pagsasamantala na maaaring mangyari sa ibang bansa.

Ang limang pasahero ay tinulungan ng mga opisyal ng NAIA Task Force Against Trafficking.

(Mina Navarro)

The post 3 buwan nakulong sa Malaysia; 5 Pinay nakauwi na first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments