75-anyos nag-motel kasama GF, tegi sa atake

Nasawi ang isang 75-anyos na lalaki matapos mag-check in sa isang motel kasama ang kanyang girlfriend, kamakalawa sa Old Sta. Mesa, Maynila.

Ayon kay PSSg John Paul Rojo, ng Manila Police District -homicide section, idineklarang dead on arrival ang 75-anyos na biktima na taga-Mandaluyong City sa Our Lady of Lourdes Hospital pasado alas-2:00 ng hapon.

Sa imbestigasyon, nalaman na nag-check in ang biktima kasama ang kanyang girlfriend na taga-Malabon alas-12:00 ng tanghali sa Room 34 ng di pinangalan na hotel sa Old Sta. Mesa, Sta. Mesa, Maynila.

Sinabi ng nobya na alas-2:00 ng hapon nang mapansin niya na hindi na kumikilos ang biktima dahilan para humingi siya ng tulong sa hotel staff.

Ayon kay Ben Villamin, roomboy, alas 12:30 ng tanghali ay humingi pa ng tubig sa baso ang biktima at napansin niya na para itong balisa at nahihilo.

Samantala, sinabi naman ng anak ng biktima na ang kanyang ama ay may sakit sa puso, diabetic at hypertensive kung saan sumailalim din ito sa bypass surgery noong 2013.

(Juliet de Loza-Cudia)

The post 75-anyos nag-motel kasama GF, tegi sa atake first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments