Bumaba ng 28 porsyento ang Focus Crimes mula Enero 1 hanggang 30 ngayong taong ito kumpara sa kaparehong panahon ng nakaraang taon, ayon sa Philippine National Police (PNP)
Sa isinagawang press briefing sa Camp Crame kahapon, iniulat ni PNP Public Information Office Chief at Spokesperson Police Col. Jean Fajardo na 2,301 insidente ng focus crimes ang iniulat sa nabanggit na panahon, na mas mababa sa 3,223 na iniulat sa parehong panahon noong nakaraang taon.
Kabilang sa Focus Crimes ang murder, homicide, physical injury, rape, theft, robbery, vehicle theft at motorcycle theft.
Sinabi pa ni Fajardo na ang patuloy na pagbaba ng krimen sa tulong ng mga mamamayan, ay nagsisilbing inspirasyon sa mga pulis upang mas pagbutihin ang kanilang trabaho.
“Mas mababa ng 28.61 percent at sana sa tulong ng ating mga kababayan para masustain natin itong pagbaba ng mga krimen,” saad ni Fajardo.
(Edwin Balasa)
The post Krimen bumaba ng 28% first appeared on Abante Tonite.
0 Comments