Anne nameligro kay Vice

Viral ang naging bardagulan nina Vice Ganda at Anne Curtis sa kanilang programang “It’s Showtime.”

Sa nasabing controversial na episode, inutusan kasi ni Vice ang co-host na bigkasin ang mga katagang Nice Ganda.

Lately na lamang natauhan na si Anne na ang nasabi pala niya ay dialogue ni Vice sa kanyang latest fastfood chain commercial na kakumpentensiya ng brand na ini-endorso ng TV host-actress.

Sey ni Anne, ‘bad’ daw ang ginawa ng kanyang co-host.

Nag-worry pa ito na baka malagay siya sa peligro at mawalan ng endorsement dahil diumano sa kagagawan ni Vice.

Sa naturang show, nag-apologize pa si Anne for unwittingly promoting the competitor’s brand by saying the catch phrase na identified sa rival’s commercial.

Aniya, lapse of judgment daw ang nangyari sa kanya.

Sey naman ni Vice, wala raw dapat ikabahala si Anne dahil pumuri lang daw ito ng sitwasyon ng kanilang participants sa segment na “Expecially For You.”

After the show, nag-post naman agad si Anne ng endorsement ng kanyang fast food brand sa kanyang IG.

Umani naman ng samu’t-saring reaksyon sa kibitzers ang diumano’y paglalagay ni Vice kay Anne sa balag ng alanganin.
Hirit ng mga netizen sana raw maintindihan ng mga bossinb sa endorsement ni Anne ang situwasyon.

Sinabi rin nila na mag-ingat ang aktres sa susunod.

“Hahahahah halatang na off si Anne. Multi million worth of contract pa naman yan hahaha 😭😭

“meme naman😭 you should’ve know na hindi tama yan kasi for sure may kontrata ka din. be careful next time kasi kahit ikaw nag umpisa ay hindi naman ikaw yung mapapahamak., kay anne pa din ang balik ng yan.”

*eto naman nagbibiruan lang. ang dami ngang hindi nakagets”

“Sus joke man no mal intent”

“kahit unintentional pa yan… pwede mawalan ng endorsement si anne.” (Archie Liao)

The post Anne nameligro kay Vice first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments