Inuga ng magnitude 4.9 na lindol ang Batangas nitong hapon ng Sabado, Enero 20, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Bandang alas-4:04 ng hapon nang yanigin ng nabanggtit na lindol ang Tingloy, Batangas.
Naramdaman ito sa malaking bahagi ng Southern Luzon, pati na rin sa ilang bahagi ng Metro Manila.
Ayon sa unang impormasyon ng Phivolcs, inaasahan ang mga damages matapos ang lindol.
Gayunpaman, wala namang inaasahang mga aftershocks. (Dolly Cabreza)
The post Batangas nilindol, gumapang sa Metro Manila first appeared on Abante Tonite.
0 Comments