Bagong Timor-Leste envoy nagpasiklab kay BBM

Inaasahang mas iigting pa ang partnership ng Pilipinas at Timor-Leste para sa pag-unlad ng dalawang bansa.

Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos opisyal na tanggapin ang letter of credence ng bagong embahador ng Timor-Leste na si Octavio Garcia Da Silva sa Malacañang nitong Martes nang hapon.

Sa isang simpleng seremonya sa Palasyo, opisyal na tinanggap ng Pangulo si Da Silva bilang Resident Ambassador-Designate of the Republic of Timor-Leste.

Umaasa ang Pangulo na mas lalawig pa ang ugnayan ng dalawang bansa para sa kolaborasyon ng iba’t ibang sektor kabilang na rito ang usapin sa politika, teknikal, edukasyon, at economic cooperation.

Matatandaang noong Nobyembre 2023 ay bumisita sa Pilipinas si Timor-Leste President Jose’ Ramos Horta para sa kanyang apat na araw na state visit at nagkaroon ng bilateral meeting sa pagitan nila ni Pangulong Marcos Jr. para sa mas pinaigting na partnership ng dalawang bansa.

(Aileen Taliping)

The post Bagong Timor-Leste envoy nagpasiklab kay BBM first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments