Christian Standhardinger best player! Ginebra Gin Kings sinungkit huling twice-to-beat ‘bonus’ sa quarters

Mga laro Linggo: (PhilSports Arena)
3:00pm – Converge vs Rain or Shine
6:30pm – TNT vs Phoenix Super LPG

PINANGUNAHAN ni Stanley Pringle ang balik ng Ginebra sa fourth quarter para bawiin ang panalo kontra NLEX 103-99 sa dayo ng PBA Commissioner’s Cup Ibalong Center for Recreation sa Legazpi, Albay Sabado ng gabi.

No. 4 na ang Gin Kings (8-3), nakasiguro ng twice-to-beat edge sa quarterfinals laban sa No. 5 Meralco.

Nasa unahan ang Magnolia (9-2), San Miguel (8-3) at Phoenix (8-2). Tatapusin ng Fuel Masters ang elims laban sa TNT sa PhilSports Arena ngayon.

Pinangunahan ng 27 points, 13 rebounds, 4 assists ni Tony Bishop ang Ginebra. Solido ang ambag ni Christian Standhardinger na 18-8-6 para tanghaling Best Player of the Game, naka-16 points si Jamie Malonzo mula sa apat na tres.
Tumapos si Pringle ng 13 points, 9 dito sa final period. May 13 din si Maverick Ahanmisi, naka-4 points lang si Scottie Thompson pero namigay ng 8 dimes.

Umabante ang Gins 42-29 sa bukana ng second quarter pero naagaw ng NLEX ang unahan 54-53 sa break, inilayo nang bahagya sa 82-77 pagkatapos ng third quarter.

Ang 7 points ni Enoch Valdez ang nagsindi ng balik ng Road Warriors bago ang half. Kinamada naman ni DeAndre Williams-Baldwin ang 10 points niya sa third na inayudahan ng 8 ni Anthony Semerad.

Binawi ng Gins ang trangko 87-86 sa drive ni Pringle 7:24 pa sa laro na nagpayanig sa venue na pinuno ng nasa 6,500 crowd.
Sa tres ni Bishop ay lumamang 101-97 ang Ginebra, pagkatapos ng dakdak ni Williams-Baldwin ay pinalitadahan ng dalawang free throws ni Pringle 5 seconds na lang sa laro ang panalo.

Namuno sa NLEX ang 27 points, 14 rebounds, 5 assists ni Williams-Baldwin. Pumukpok muli ng 17 points si rookie Valdez at naka-double digits din sina Jhan Nermal, Semerad, Sean Anthony at Robert Bolick (10-8-11) pero kinapos ang Road Warriors, nalaglag sa 4-7.

Kapag tinalo ng Phoenix ang TNT, magbubuhol ang Tropang Giga at Road Warriors at magkakaroon ng playoff para sa eighth at last slot sa quarters.

(Vladi Eduarte)

The post Christian Standhardinger best player! Ginebra Gin Kings sinungkit huling twice-to-beat ‘bonus’ sa quarters first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments