Claudine tinangging sinulsulan ni Vilma

Nilinaw ni Claudine Barretto na kailanman ay hindi raw nakialam ang kanyang idolong si Vilma Santos sa kanyang mga desisyon.

Sa latest Instagram post ni Claudine, nilinis niya ang pangalan ni ate Vi na napagbibintangan ngayong nag-udyok sa kanya para idemanda ang estranged husband na si Raymart Santiago.

Aniya ay nasasaktan daw siya na nadadamay pa ngayon ang kanyang idol sa kanyang mga isyu.

“To be a Vimanian is an honor,& a Priviledge

“She is Gods give to all of us vimanians but I am fortunate that she made me a part of her life and family.

“Being a vimanian, it hurts me to hear that nadadamay ang idol sa sitwasyon ko ngayon,” simula ng aktres.

“I just want to clear, never nag advice si Ate V tungkol sa mga decision ko. Ang lahat ng advice niya sa akin ay puro postive. To be strong, na lumaban sa buhay,magpakatatag.wala po syang inadvice kundi mahalin ko trabaho ko,mga anak at lalo mga fans/friends ko,” paglilinaw ni Claudine.

“Sinalba nya ang buhay ko pero never syang naki alam sa mga decisions ko.basta’t nandyan lang sya pag kailangan ko ng karamay.gusto ko lang talaga malaman ng tao kung gaano kabuti ang idol ko,” patuloy niya.

Sey pa ni Claudine, pinayuhan lang daw siya ni ate Vi na maging matatag para sa mga taong nagmamahal sa kanya at minamahal niya.

“Happy anniversary Ate.mahal na mahal ka naming mga #vilmanians #vilmanianako ❤❤,” mensahe ni Claudine kay ate Vi.

Matatandaang nagsimula ang isyung sinusulsulan ni ate Vi si Claudine sa panayam ng huli sa vlog ni Luis Manzano kung saan ay ikinuwento niya na kinausap siya ng Star For All Seasons at pinayuhang ipaglaban ang karapatan bilang ina at asawa.

Na-misinterpret ito ng ibang tao at inisip na si Vilma ang nagpayo kay Claudine na idemanda si Raymart.

(Vinia Vivar)

The post Claudine tinangging sinulsulan ni Vilma first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments