Katrabaho inginuso sa pinugutang sikyo ng Ford service center

Tinututukan ngayon ng Philippine National Police (PNP) ang anggulong ‘inside job’ sa nangyaring pamumugot ng ulo sa security guard ng Ford Balintawak noong Pasko, Disyembre 25, 2023 sa Quezon City.

Itinuturong suspek sina Michael Caballero at Jomar Ragos, mga katrabaho ng biktimang si Alfredo Valderama Tabing, 50, ng 1277 Sevilla Ext., Brgy. 46, Zone 3, Tondo, Manila na natagpuang walang ulo sa kanyang puwesto sa nabanggit na car showroom.

Nalaman umano ng mga suspek na nakabenta ang kanilang pinagtatrabahuhan ng sasakyan kaya plinano ng mga ito ang pagnanakaw at tinangay ang isang vault na naglalaman ng P3.6 milyon.

Posibleng nakilala umano ng biktima ang kanyang mga kasamahan kaya pinatahimik at pinugutan ito ng ulo bago tumakas.

Patuloy pang tinutugis ng mga awtoridad ang mga nasabing suspek.

Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin natatagpuan ang ulo ng sikyo. (Dolly Cabreza)

The post Katrabaho inginuso sa pinugutang sikyo ng Ford service center first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments