Si Senadora Pia Cayetano na ang bagong pinuno ng Senate Blue Ribbon Committee.

Sa sesyon ng Senado nitong Lunes, nagmosyon si Senate Majority Leader Joel Villanueva na ihalal bilang chairperson ng blue ribbon committee si Cayetano matapos na matanggap ang resignation letter ni Senador Francis Tolentino na may petsang Enero 22, 2024.

Wala namang binago sa mga miyembro ng blue ribbon at tanging ang chairman lang ang pinalitan.

Pinuri naman ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang desisyon ng mayorya kasabay naman ng pagbati sa senadora bilang kauna-unahang babaeng mambabatas na napili bilang pinuno ng naturang komite.

“The minority applauds the decision of the majority and we congratulate our first ever female chairperson of the Senate Blue Ribbon Committee,” sabi ni Pimentel.

Sabi naman ni Senate President Juan Miguel Zubiri, “It’s a fact that Sen. Pia Cayetano will be the first female chairperson of the Blue Ribbon Committee in the Senate in its 106 years in existence.” (Dindo Matining)

The post Pia Cayetano bagong blue ribbon chair first appeared on Abante Tonite.