Swatch store pinagse-seminar sa senior, PWD discount

Pinitik ni dating Commission on Elections (Comelec) commissioner at P2PWD party-list nominee Rowena Guanzon ang isang Swatch store sa Rockwell dahil sa hindi umano pagtanggap ng diskwento para sa mga senior citizen at person with disability (PWD).

Binigyang-diin ni Guanzon ang mga probisyon ng Republic Act No. 10754 na nagtatakda aniya ng diskwento at zero VAT para sa mga senior at PWD sa iba’t ibang establisimiyento.

Ayon kay Guanzon, dapat kilalanin ng mga commercial at business establishment ang senior citizen at PWD discount.

Ibinunyag nito sa isang post sa X (dating Twitter) ang ginawa aniya ng isang Swatch store sa Rockwell na hindi kinikilala ang naturang diskwento.

“`All commercial and business establishments’ must honor seniors and PWD discounts and provide courtesy lane or priority. Ang Swatch store sa Rockwell bagsak ang grado dito. Manager said hindi kasali ang boutique stores. Mag-seminar kayo! Mga pulpol,” sabi ni Guanzon.

Sa isa pang post, dinagdag ni Guanzon na maaari rin gamitin ang government ID o passport para makakuha ng 20% discount at 12% value-added tax discount.

“RA 10754. 20% discount Zero VAT for seniors & PWD sa medical dental fees, laboratory, bus, jeepney, barko, eroplano, restaurants, wheelchairs, walking sticks,” ayon pa kay Guanzon.

(Billy Begas)

The post Swatch store pinagse-seminar sa senior, PWD discount first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments