PBBM inaprub ayudang bigas, medikal sa AFP

Pagkakalooban ng gobyerno ng libreng bigas ang mga sundalo at tertiary health care naman para sa kanilang mga pamilya.

“With an increased 2024 budget for the DND [Department of National Defense], we’re dedicated to ensuring the well-being of our uniformed personnel and their families,” ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ipinahayag ito ng Pangulo matapos ang kanyang pulong sa mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa Malacañang nitong Miyerkoles, Enero 17.

Sabi ng Pangulo, inaprubahan niya ang pondo para sa ayuda sa bigas at tertiary health care sa AFP Medical Center upang mabigyan ng prayoridad ang buhay ng kasundaluhan at ang kanilang mga pamilya.

Tiniyak ni Pangulong Marcos na patuloy na suporta ng kanyang administrasyon sa hukbong sandatahan ng bansa. Patunay aniya rito ang Revised AFP Modernization Program at ang Pension and Gratuity Fund upang masiguro ang katatagan ng pondo para sa mga sundalo at civilian personnel.

Kabilang sa mga dumating sa Malacañang ay sina Presidential Adviser on Military and Police Affairs Secretary Roman Felix, PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr., PNP Acting Deputy Chief for Administration Lt. Gen. Rhodel Sermonia at iba pang opisyal.

Pinangunahan naman ni AFP chief of staff Gen. Romeo Brawner Jr. ang grupo ng militar kasama sina Navy Flag Officer-in-Command Vice Admiral Toribio Adaci Jr., Army Commanding General Lt. Gen. Roy Galido, at Air Force Commanding General Lt. Gen. Stephen Parreño.

(Aileen Taliping)

The post PBBM inaprub ayudang bigas, medikal sa AFP first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments