Tambayan ng mga OFW sa NAIA, bukas na

Binuksan na 24/7 ang bagong renovated Overseas Filipino Workers (OFWs) lounge sa 4th level departure area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 na maaring mag-accommodate ng mga paalis na OFWs habang naghihintay ng kanilang flights.

Ang lounge ay binuksan noong January 12, 2024, na may komportableng sofa, libreng snacks na may Pinoy arroz caldo, biscuits, cookies, coffee, soft drinks, bottled water, libreng internet connection at cellphone charging station at assistance desk.

Ito ay joint project ng OFW Partylist, Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Department of Migrant Workers (DMW), at ng Manila International Airport Authority (MIAA).

Ayon sa OWWA, ang lahat ng departing OFWs ay welcome sa kanilang lounge habang hinihintay ang kanilang scheduled flights kung saan karamihan sa mga OFWs ay tumatagal ng 20-30 minuto sa lounge.

(Otto Osorio)

The post Tambayan ng mga OFW sa NAIA, bukas na first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments