Totoy, erpat ng dabarkads niratrat

Patay ang isang menor de edad at ang kasama nitong 35-anyos na lalaki matapos pagbabarilin ang mga ito ng mga hindi nakilalang salarin sa circumferential road sa Barangay Alijis, Bacolod City, Huwebes ng madaling araw.

Kinilala ang mga biktima na sina Christopher Mondejar Jr., 16, at ang tatay ng kanyang kaibigan na si John Paul Montanio.

Ayon sa report ng Bacolod City police, sakay sa motorsiklo ang mga biktima mula sa isang bar at papauwi na nang habulin ang mga ito ng mga suspek na sakay isang hindi natukoy na sasakyan at isang motorsiklo.

Nang maabutan, pinagbabaril ang dalawa gamit ang 9mm pistol at kalibre 45 baril.

Ayon sa pulisya maaring si Montanio ang target ng mga salarin dahil may mga record ito sa kanilang himpilan ng pamamaril at pananakit, at nadawit lamang ang menor de edad.

Patuloy ang paghahanap ng PNP ng mga CCTV footage para makilala ang mga salarin.

(Ronilo Dagos)

The post Totoy, erpat ng dabarkads niratrat first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments