Rayver inudyukang magdemanda ng cyber libel

Inuudyukan ng maraming netizen ngayon si Rayver Cruz na magsampa ng cyber libel laban sa isang X user na nag-tweet ng libelous statements hinggil sa aktor.

Lumikha ng malaking issue sa social media ang tweet ng isang netizen na pinupuna niya ang naging kilos ni Rayver sa live streaming with Julie Anne San Jose last Saturday.

Ipinost ng netizen ang ilang bahagi ng videos ng live streaming at sa caption ay nag-insinuate siya na tila may bisyo umano ang aktor.

Marami ang naloka sa nasabing caption at pinayuhan si Rayver na sampahan ng kaso ang nag-post.

“This is clearly a libelous tweet. Nako, kung may oras at resources sina Julie at Rayver, it could lead to a case,” sabi ng isang netizen.

“Aksyunan niyo yung nagpapa kalat! Hindi na biro yun. Wag kayong masyadong mabait ni Julie kasi hindi naman sila mabait sa inyo. Dito lang kami para sa inyong dalawa ni Ja,” sabi naman ng isa pa.

“Not a fan pero pede itong ipahanap at idemanda. Malma na yung accusations nya,” sabi naman ng isa pang X user.

So far ay humingi na ng dispensa si Rayver for his behavior at wala pa naman siyang sagot sa mga nang-uudyok sa kanya na magdemanda siya.

(Vinia Vivar)

The post Rayver inudyukang magdemanda ng cyber libel first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments