Medical checkup, iba pang benepisyo hinirit sa tag-init

Sa tindi ng init, grupo nanawagan: Heat break, iba pang protocol gawing mandatory

Hinimok ng isang workplace safety group ang Department of Labor and Employment (DOLE) na gawing mandatory ang heat break at iba pang protocol sa gitna ng matinding init na nararanasan ng bansa.

Ginawa ang apela ng Institute for Occupational Health and Safety Development (IOHSAD) noong Linggo, Abril 28, sa paggunita ng International Workers’ Memorial Day.

Sinabi ng grupo na nakakalap sila ng mga ulat tungkol sa dumaraming kaso ng pananakit ng ulo, pagkahilo, at altapresyon sa mga manggagawa dahil sa matinding init.

Bukod sa heat break, sinabi ng grupo na dapat gawin ng DOLE na mandatory sa mga employer na magbigay sa kanilang mga manggagawa ng medical checkup, maayos na bentilasyon, adjusted work hours, at libreng access sa inuming tubig, at iba pa.

Wala pa namang komento ang DOLE sa usapin.

Gayunpaman, naunang naglabas ang DOLE ng labor advisory na hinihikayat ang mga employer na tiyakin ang kaligtasan ng kanilang mga manggagawa at maiwasan at kontrolin ang heat stress. (Vincent Pagaduan)

The post Medical checkup, iba pang benepisyo hinirit sa tag-init first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments