‘Di lang pagdiriwang sa ika-10 taon ang nalalapit na IRONMAN 70.3 Lapu-Lapu kundi ang muling pagtitipon-tipon ng mga tigasing triathle sa iba’t ibang panig ng mundo na babalik ng Cebu sa April 21.
Kaya tiyak ang maintensidad na bakbakan sa top-level event na pangungunahanni Filipe Azevedo ng Portugal, aasinta ng ikalawang titulo pagkaraang maipuslit ang tagumpay sa nakalipas edisyon ng mapaghamong 1.9k swim-90k bike-21k run race.
Hinog na 31-anyos na Portuguese sa mas impresibong laro, pinatigas ng nangungunang kompetisyon sa nakaraang taon.
Kasama sa elite roster sina Tuan Chun Chang ng Chinese Taipei, tumersera sa Davao, Daniel Bakkegard ng Denmark, South Africa’s Henri Schoeman, Thomas Bishop ng England, American Ben Stern, Michael Tong ng New Zealand at iba pa.
Ang presensya nila ang magpapaigting sa karera mula sa languyan, bisikletahan at takbuhan sa prestihiyong kaganapan na oorganisahin ng IRONMAN Group at mga presentado ng Megaworld at Mactan Newtown. (Abante TONITE Sports)
The post Mga elite athlete balik sa IRONMAN 70.3 Lapu-Lapu first appeared on Abante Tonite.
0 Comments