Masusing pinag-aaralan ng Philippine National Police (PNP) ang implementasyon sa pagtanggal ng makikitang tattoo sa unipormadong pulis, ayon kay PNP spokesperson Col. Jean Fajardo nitong Sabado.
Matatandaan na nag-isyu ang PNP ng Memorandum Circular 2024-023 noong Marso na nag-oobliga sa lahat ng personnel na may tattoo na gumawa ng written affidavit upang ideklara ang kanilang tattoo at ang lantad kahit nakauniporme ay dapat ipabura.
Sabi ni Fajardo na kinausap ni PNP chief, General Rommel Francisco Marbil ang directorates for personnel at records management, na ang nasabing circular ay dadaan sa pagrebyu dahil ito’y ginawa sa panahon ni dating PNP chief, Benjamin Acorda.
Partikular na ipinapaaral ni Marbil ang ginamit na probisyon para ipatanggal ang tattoo sa mga pulis.
Bukod sa usaping kalusugan, ipinasisiyasat din ni Marbil ang aspektong pinansiyal kapag nagpabura ng tattoo ang isang pulis. (Dolly Cabreza)
The post PNP lumambot sa tattoo ban first appeared on Abante Tonite.
0 Comments