Catriona sinita sa b-day ni Sam

Nag-celebrate kamakailan ng kanyang ika-40 taong kaarawan si Sam Milby.

Sa simpleng papiging, um-attend ang kanyang mga kaibigang sina Gerald Anderson, John Prats, Michael de Mesa, Isay Alvarez, Mark Solis, Sancho delas Alas at iba pa.

Marami namang Marisol ang naghahanap sa presensya ni Catriona Gray sa nasabing pagtitipon.

Sa social media, wala ring pagbati sa birthday celebrator mula sa 2018 Ms. Universe na dati naman nitong ginagawa.

Last year lang very sweet ang message ni Cat kay Sam .

Sa kabilang banda, enjoy naman si Cat sa bakasyon niya kasama ang kanyang pamilya.

Post niya sa Instagram :”Tag who would bring along on vacation.So happy to bring my mama along + the pamili”.

May isang kate-katera namang IG user ang sinita ang beauty queen ukol kay Sam.

Bukod kasi sa wala ito sa party, wala rin diumanong paramdam ito kay Samuel sa social media.

Sey ni catchmay14: “Milestonebirthdayof @samuelmilby nasa vacation pala si Cat”

Sinaway naman ng isang follower na may handle na itsmecamrynn ang naturang katkatera.

Aniya: “Let them live their own separate lives.Let them move on peacefully.”

Nag-wish din siya para sa healing ng beauty queen.

“Your healing looks good on you,” dugtong niya.

Sa ngayon, kahit malakas ang bulung-bulungan na break na ang dalawa, wala pa namang opisyal na pag-amin sa showbiz couple.

Matatandaang naglabas noon ng pahayag ang kanilang management na sumasalalim sa matinding pagsubok ang kanilang relasyon.

Sighted din sila together sa ibang mga ganap kaya may mga nalilito pa rin sa tunay na estado ng kanilang relasyon. (Archie Liao)

The post Catriona sinita sa b-day ni Sam first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments