PBBM tutok sa agri, turismo, pagkain sa Brunei trip

Ilang mga kasunduan ang inaasahang pipirmahan sa Brunei kaugnay ng nakatakdang biyahe ni Pangulong Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa naturang bansa sa May 28-29.

Sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Spokesperson Teresita Daza na isinasapinal na nila ang mga lalagdaang kasunduan na may kinalaman sa agrikultura, turismo, food security at maritime cooperation.

Prayoridad aniya ng administrasyong Marcos na palakasin ang agrikultura ng bansa kaya sa bawat bansang binibisita nito ay laging kasama ang naturang sektor sa mga pinapasok na kasunduan.

“We are actually currently in the process of finalizing text for several MOUs (memorandum of understanding). The MOUs that we are working with, with the Brunei insight will include priority areas ranging from agriculture to food security, maritime cooperation, tourism,” ani Daza.

Gagawin ni Pangulong Marcos ang state visit sa Brunei sa imbitasyon ni Sultan Hassanal Bolkiah.

Pagkatapos ng state visit sa Brunei ay didiretso ang Pangulo sa Singapore para sa dumalo naman sa isang pandaigdigang forum. (Aileen Taliping)

The post PBBM tutok sa agri, turismo, pagkain sa Brunei trip first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments