Dingdong nagulat sa kinalkal ng mga fan

Hindi makapaniwala si Dingdong Dantes nang i-tag siya mga fan sa nakalkal nila. Sey ng aktor, “Hanep, nahanap niyo pa ‘to!”

As a child actor noong 1985, nakagawa pala siya ng isang international movie .

Kahit si Dingdong, it’s either nakalimutan na ba niya ito na ang title ng pelikula ay “Blackfire.” Base sa suot niya, isa siyang Little Ninja .

Kapansin-pansin din sa mga nakapanood ng eksena niya, kamukhang-kamukha niya ang anak na si Sixto.

Ipinost din ng The Dongyanatics sa Instagram ang clip ng movie na ni-like ni Dong. Base sa IMDb, ang director ng movie ay si Teddy Page at pinagbibidahan ng mga American actor na sina Romano Kristoff, Jim Gaines at ang Pinoy actor na si Ruel Vernal. (Rose Garcia)

The post Dingdong nagulat sa kinalkal ng mga fan first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments