PBBM binasbasan balik ng NFA rice

Sesertipikahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang urgent bill ang pag-amiyenda sa Rice Tariffication Law (RTL), partikular ang probisyon na nagpapalawig sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF).

Sinabi ng Pangulo nitong Lunes, Mayo 6, na sa ngayon ay walang kontrol ang National Food Authority (NFA) sa presyuhan ng bigas kaya tumataas ang presyo nito sa mga pamilihan.

Nagpapaligsahan aniya ang mga trader sa pagbili ng mataas na presyo ng palay at walang kontrol ang gobyerno kaya dapat na gawan ito ng paraan.

“Kung magkakaroon ng amendments sa NFA charter at Rice Tariffication Law, magagawan natin, makokontrol natin, may influence tayo sa presyuhan sa pagbili ng palay at pagbenta ng bigas. Yes, it justifies the urgent certification,” pahayag ng Pangulo.

Sa ilalim ng RTL, inalisan ng kapangyarihan ang NFA bumili ng palay at mag-imbak ng reserba kaya ang mga rice trader ang bumibili ng palay sa mga magsasaka at sila rin ang nagtatakda ng presyo dahilan para tumaas ang presyo ng bigas. (Aileen Taliping/Prince Golez)

The post PBBM binasbasan balik ng NFA rice first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments