Sindikato ng land conversion sa Bulacan nabisto

Sumingaw ang umano’y kakaibang anomalya na may kaugnayan sa land conversion sa lalawigan ng Bulacan,

Ito ay matapos na mabuko ng local government unit (LGU), ang mga sangkot sa sindikato gaya ng isang staff ng LGU sa lalawigan, na umano’y kasabwat pa ang hepe nito.

Ang estilo sa maanomalyang transaksyon ay naiko-convert ang lupain sa pamamagitan lamang ng pagpapalit sa tax declaration ng hindi na dumadaan sa Sangguniang Bayan at Sangguniang Panlalawigan.

Isang alyas “Mr. Rider” ang kumakausap sa isang tanggapan para mabilis na naiko-convert ang isang lupain sa pamamagitan ng pagpapalit sa tax declaration.

Si Mr Rider ay tumtanggap ng P100-150 per sqm bilang bayad sa conversion. Sa naturang kita, binabalatuhan din ni Mr Rider ang ilang sa tauhan sa kasabwat na opisina.

Kapag napagtibay ang tinutukoy na anomalya sa land conversion ay nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso sa Ombudsman ang mga taong may gawa nito.

Inaalam na rin ng kinauukulan ng lalawigan kung sinu- sino ang mga kasabwat ni Mr Rider sa naturang iligal na transaksyon sa lupa.

The post Sindikato ng land conversion sa Bulacan nabisto first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments