Tindahan ng mga santo natupok sa apoy

Ilang daang imahe ng mga poon ang natupok nang sumiklab ang sunog sa isang tindahan ng mga santo sa Sta. Cruz, Maynila noong Sabado.

Nataranta ang mga residente nang mabilis na kumalat ang apoy sa nasabing tindahan sa Oroquieta St. bandang alas-otso nang gabi.

Ayon sa katiwala ng tindahan, nagha-hapunan sila nang may marinig silang pumutok sa likod ng tindahan.

Alas-8:38 nang gabi idineklarang kontrolado ang sunog at ganap itong naapula ganap na alas 8:41 nang gabi.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) nasa P150,000 ang halaga ng mga nasirang ari-arian. Iniimbestigahan pa ang pinagmulan ng sunog.

Wala namang nasaktan sa insidente.

The post Tindahan ng mga santo natupok sa apoy first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments