Pedestrian sabog ang bungo sa motorsiklo

Patay ang isang pedestrian nang bumagok ang ulo nito matapos na mabunggo ng rider ng Honda Click sa Tondo, Maynila noong Sabado. Walang nakuhang ID sa pag-iingat ng biktima na inilarawan ng Manila District Traffic Enforcement Unit Vehicle Traffic Investigation Section (MDTEU -VTIS) na nasa edad 30-40, may taas na 5’0 at nakasuot ng berdeng sando at itim na pantalon.

Samantala, dinala sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang rider na si John Paul Paed, nasa hustong edad at residente sa Barangay Tangos, Navotas City dahil sa tinamong sugat sa katawan.

Sa report, nangyari ang insidente sa northbound ng H. Lopez Blvd. sa kanto ng Rodriguez St, Tondo, Maynila bandang alas-tres nang madaling araw.

Sa kuha ng CCTV ng Barangay 134, nakita na binabaybay ng motorsiklo ang northbound ng H.Lopez Blvd. nang mabundol nito ang biktima sa kanto ng Rodriguez St. Kapuwa bumagsak ang dalawa sa sementadong bangketa pero napuruhan ang biktima dahil sa kawalan ng proteksyon sa ulo.

Patuloy ang imbestigasyon sa kaso. (Juliet de Loza-Cudia)

The post Pedestrian sabog ang bungo sa motorsiklo first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments