Nasa P6.7 milyong halaga ng pakete ng shabu ang nalambat ng mga mangingisda sa baybayin ng Pagudpud, Ilocos Norte noong Sabado. Ayon kay Pagudpud Police Station P/Maj. Carlo Abing, ilang mga mangingisda ang nakakita sa isang lumulutang na paketeng plastic sa baybaying sumasakop sa Barangay Balaoi at iniuwi ito.
Sinabi ni Abing na tinawag ng mga mangingisda ang mga opisyal ng kanilang barangay gayundin ang mga pulis sa kanilang lugar at ipinakita ang kanilang nakuha.
Sinabi ng Ilocos Norte Provincial Forensic Unit na naglalaman ang pakete ng 998.32 gramo ng ilegal na droga at nagkakahalaga ito ng P6,788.576.
Nagsasagawa ngayon ang Ilocos Norte Police Provincial Office ng follow-up investigation tungkol dito. Hinihinala rin na maaaring bahagi ito ng mga naglutangang pakete ng shabu sa baybayin ng Ilocos.(Allan Bergonia)
The post P6.7M shabu nalambat sa Pagudpud first appeared on Abante Tonite.
0 Comments