Tree house bumagsak, 8 sa religious group sugatan

Walong kabataan ang nasugatan matapos bumagsak ang inakyat nilang tree house sa loob ng religious camp site sa Pagsanjan, Laguna, nitong Biyernes ng umaga.

Ayon sa report ng Laguna Police Provincial Office, nagsasagawa ang mga kabataan ng religious activities sa compound ng Serenity Christian Camp and Recreation Center sa Brgy. Lambac nang maganap ang insidente alas-8:30 ng umaga.

Umakyat ang walong kabataan na binubuo ng limang babae at tatlong lalaki, sa tree house subalit bigla itong bumigay at nawasak.

Nalaglag ang mga biktima sa lupa at nagtamo ng mga pinsala.

Isinugod ang mga ito sa Laguna Medical Center, Sta. Cruz, Laguna para malapatan ng lunas.

Iniimbestigahan pa ng Pagsangjan police ang insidente. (Ronilo Dagos)

The post Tree house bumagsak, 8 sa religious group sugatan first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments