DMW inalerto mga OFW kontra job scam sa TikTok

Nagbabala ang Department of Migrant Workers (DMW) sa publiko laban sa isang scam gamit ang Facebook at TikTok upang makahikayat ng mga posibleng biktima.

Tinawag ng DMW ang job scam na “third country recruitment” kung saan ang recruiter ay nakabase sa ibang bansa (2nd country) at nagpapanggap na may koneksyon sa mga direct employer.

Ayon sa DMW, puntirya ng scam ang mga overseas Filipino worker (OFW) na nagtatrabaho sa isa pang bansa (3rd country).

“Nag-aadvertise sila sa internet sa pamamagitan ng Facebook at Tiktok. Ito ay tinatawag na third country recruitment. Ito po ay SCAM!” babala ng DMW na naka-post sa kanilang official social media page.

Paalala ng DMW sa mga OFW o mga nais magtrabaho abroad na tiyakin ang pagsunod sa mga alituntunin sa ibang bansa at mga kinakailangan sa dokumentasyon upang maiwasan na maging biktima ng illegal recruitment o human trafficking.

Hinimok ng DMW ang publiko na kasuhan ng “illegal recruitment in relation to Cybercrime Prevention Act” ang sinumang mag-aalok ng trabaho sa ibang bansa ng walang kaukulang lisensya o permit mula sa kagawaran.

The post DMW inalerto mga OFW kontra job scam sa TikTok first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments