Ai Ai sumawsaw sa mag-inang Yulo

Nakisawsaw ang batikang komedyanang si Ai Ai delas Alas kaugnay ng sigalot ng Olympian gold medalist na si Carlos Yulo at inang Angelica Poquiz.

Sa kanyang FB account, nagbigay siya ng advice sa gymnast at girlfriend nito.

Sa isang video, ipinaabot niya ang pagbati kay Carlos sa pagkapanalo nito pero hindi nito mapigilang maglahad ng kanyang opinyon at obserbasyon.

“Kasi napanood ko ‘yung parang interview. Parang na-off ako kasi si girly habang iniinterview si Carlos yung bata nakasandal dito yung baba ‘nung girl. Buti nalang bilugan si ate girl, kasi kung ako ‘yun, naku wala, patay sabog ‘yung balikat ni baby boy, buti nalang pabilog siya hindi patulis,”pagbibirong pahayag ni Ai Ai.

Sa huli, nagbigay rin siya ng seryosong payo sa kasintahan ni Carlos na si Chloe lalo na pagdating sa mga interview.

“Ate girl, dapat pag ‘di ka naman kasama sa interview, dito ka na lang sa side by side ng darling mo. Kasi siyempre Olympian ‘yan, siya yung ini-interview. Dapat ‘di ka na sumasali ng kahit kaunti ‘dun sa eksena,” mensahe ni Ai Ai.

May pakiusap din ito sa mga magi-interview kay Carlos na sana’y piliin na ang itatanong at iwasan na sana ang mga personal question.

“Doon naman sa mga nagi-interview, utang na loob, ‘wag niyo na siyang tanungin tungkol doon, di naman showbiz ‘yang bata. Huwag na ninyo siyang tanungin ‘dun sa personal na nilang buhay. Kasi ano eh nagki-create pa ng intriga. Ibang tanong na lang, ‘yung tungkol sa Olympics. Huwag na ‘yung sa personal nilang buhay, di ba?” hirit ng komedyana.

(Archie Liao)

The post Ai Ai sumawsaw sa mag-inang Yulo first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments