MEDAL TALLY

(Top 10 medalists, Aug. 6 as of 9 p.m.)

Team G S B Total

1. USA 21 30 28 79

2. China 21 18 14 53

3. France 13 16 19 48

4. Australia 13 12 8 33

5. G. Britain 12 13 17 42

6. S. Korea 11 8 7 26

7. Japan 10 5 11 26

8. Italy 9 10 6 25

9. Germany 8 5 4 17

10. Netherlands 7 5 6 18

**22. Philipppines 2 0 0 2

PH SCHEDULE

(Miyerkoles, Aug7, Manila time)

BOXING – Roland Garros Stadium

Women’s 50kg semifinals

4:18 am – Aira Villegas vs Turkey’s Buse Naz (Turkey)

GOLF – Le Golf National

Women’s individual (60 players) round 1

10:44 am – Dottie Ardina

11:06 am – Bianca Pagdanganan

WEIGHTLIFTING – Paris Expo Porte De Versailles

Men’s 61kg

9 pm – John Ceniza vs 11 others

Tiyak na sa bronze medal, itataas pa ni Aira Villegas sa silver ang karangalan sa asintang women’s boxing 50-kilogram finals pa-gold sa sabak sa 33rd Summer Olympic Games 2024 semifinals ngayon (Miyerkoles) simula sa alas-4:18 ng umaga (Manila time).

Ipagpapatuloy ng 29 na taong-gulang na kaliweteng Pinay mula sa Tacloban ang panonorpresa, sa pagkakataong ito kontra 2020+1 Tokyo Olympics silver medalist Buse Naz Cakiroglu ng Turkey sa Roland Garros Stadium sa Paris, France.

Pinatahimik ni Villegas ang hometown crowd sa paglusot kay favorite local bet Wassila Lkhadiri, 3-2, para sa ikatlong dikit na pananaig noong Linggo.

Salang na rin si John Ceniza men’s weightlifting 61kg sa Paris Expo Porte De Versailles umpisa sa alas-9:00 ng gabi kontra sa 11 mga karibal. Misyon niyang madagdagan ang dalawang gold medal na ng Team ‘Pinas mula kay gymnast Carlos Yulo.

Sa athletics sa Stade De France, tumodo pa rin si Ernest John Obiena sa men’s pole vault finals kahit may iniinda sa likod para pumang-apat samantalang dehins na tumakbo sa repechage round si John Cabang Tolentino sa men’s 100-meter hurdles dahil din sa injury kasabay sa paghingi ng paumanhin sa mga Pinoy gaya ni Obiena. (Gerard Arce)

The post Aira Villegas gigil sa finals, John Ceniza atat sa medal first appeared on Abante Tonite.