Kostumer ng club niratrat

Nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya hinggil sa pagkamatay ng isang lalaki na pinagbabaril ng riding in tandem sa may disco club sa Imus City, Cavite, Linggo ng madaling araw.
Isinugod pa sa Medical Center Imus ang biktima na si alyas Christian subalit namatay ito habang ginagamot alas-5:15 kamakalawa ng umaga.
Inaalam naman ang pagkakakilanlan ng dalawang suspek na magkaangkas sa motorsiklo at tumakas matapos ang insidente.
Sa ulat, bandang alas-4:30 kamakalawa ng madaling araw nang maganap ang insidente sa parking lot ng 767 Club Disco sa Bgry Palico 4, Imus City, Cavite.

Una dito ay nag-inuman ang biktima at mga kaibigan nito sa nasabing club. Nang papaalis na ang tropa at habang naglalakad sa parking area ay nilapitan ng tandem na suspek ang biktima at walang sabi-sabing pinagbabaril saka mabilis na tumakas pa-Bacoor City.

Mabilis namang isinugod ng mga kasamahan ang biktima sa ospital subalit namatay ito habang ginagamot. (Gene Adsuara)

The post Kostumer ng club niratrat first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments