Angeli tsinansingan sa shooting

Inamin ni Angeli Khang na nakaranas din siya ng pagte-take advantage mula sa mga aktor na nakakaeksena niya sa kanyang mga ginagawang sexy films sa Vivamax.

Sa panayam ng tinaguriang Vivamax Queen sa online show na “Toni Talks” ni Toni Gonzaga ay napag-usapan nila ang proseso at preparasyon sa mga sexy scenes na ginagawa niya.

Ayon kay Angeli, noong una raw, akala niya ay madali lang maghubad at gumawa ng love scenes. Katwiran daw niya noon, iaarte lang naman daw niya ang mga maseselang eksena.

“But right now na medyo nag-widen ‘yung understanding ko sa paga-acting and patagal nang patagal, du’n ko nare-realize na nakaka-drain talaga siya, nakaka-drain na maghubad ka.

“Still, kahit may plaster, kahit na minsan, may double, ‘yung point of view pa lang na while doing it, kailangan, mentally prepared ka,” aniya.

Bukod dito, kailangan ay komportable rin daw sila sa isa’t isa ng kapareha niya.

“And minsan, nai-stress ‘yung mga partner mo na kasi, ‘yung restrictions. Minsan, bawal hawakan sa dibdib or hanggang bewang lang, or dito (balikat) lang,” sey ng sexy actress.

Tanong naman ni Toni, “may time ba na you felt na taken advantage ka?”

Pag-amin ni Angeli, “yes, a lot. Lalo na (sa) mga last movies ko.”

Naintindihan naman ni Toni na sa mga ganyang eksena ay hindi naman maiwasan talaga na ma-carried away at um-agree naman si Angeli.

“May times na habang nakaplaster, natanggal ‘yung plaster kasi tumitigas (ang pagkalalaki ng partner niya). Ta’s bago pa mag-taken ‘yung direk, hinahalikan na ‘ko. After mag-take, hinahalikan pa rin ako,” she revealed.

Tinanong ni Toni kung ano ang ginagawa niya ‘pag ganu’n at sagot ng Vivamax actress, nagrereklamo raw siya sa direktor.

“Ako, nasa isip ko, ‘basta 1 take, go mo na.’ After nu’n, du’n na ‘ko magrereklamo kay direk. Sabi ko, ‘direk, nakita mo na ba na ganito, ganyan?’ Sabi niya, ‘oo nga, nakita ko,’” sabi ni Angeli.

Siya naman daw ay sinisiguro niyang hindi siya nadadala sa mga passionate scenes.

“’Pag work, nasa isip ko talaga, work ‘to. While doing the scenes, maraming tao lagi kapag sexy scenes. Camera man, siguro 2, 3, may audio pa, andiyan pa ‘yung direktor, kaya never po akong na-carried away,” aniya.

Masaya naman ang sexy star na nakatawid na siya sa mainstream. Kamakailan nga kasi ay napasama siya sa cast ng action serye ni Ruru Madrid na ‘Black Rider.’ May movie rin siyang ipapalabas sa sinehan kasama si Robb Guinto.

“I’m happy right now na na-cross over ko na ‘yung mainstream. At sana, dire-diretso na ‘yung blessing ko dito. Kung magbibigay sa ‘kin si Viva ng magandang project, then why not?” saad ni Angeli.

Sa mga taong mababa ang tingin sa kanya dahil sexy star siya, mensahe ni Angeli, “I’m more than that. I’m not just a body but a brain, too.”

The post Angeli tsinansingan sa shooting first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments