Hiniling ni Senador Lito Lapid sa Senate Committee on Agriculture and Food na imbestigahan ang napaulat na pagkasira ng biniling mga bakuna para makontrol ang African Swine Fever (ASF) sa bansa.
Sinabi ni Lapid na dapat malaman mula sa Department of Agriculture (DA) kung bakit napabayaan lang na mag-expire ang ASF vaccines na dapat sana ay naipamahagi na at nakapigil sa pagkalat pa ng virus sa mga alagang baboy sa iba’t ibang probinsya.
Isinulong ni Lapid ang imbestigasyon matapos magkaroon ng epidemya ng ASF sa Batangas at Occidental Mindoro kung saan apektado ang hog raisers industry, suplay ng baboy at ang pagtaas ng presyo nito sa merkado.
Giit ni Lapid na kailangan matukoy kung sino ang mga opisyal ng DA na dapat mapanagot sa pagkasira ng mga bakuna na binili pa sa ibang bansa. (Reymund Tinaza/Dindo Matining)
The post Lito Lapid didikdikin mga promotor ng expired ASF bakuna first appeared on Abante Tonite.
0 Comments