Mga atleta sa IRONMAN 70.3 maglalaban pa-France, Spain

Ang makipagpaligsahan sa mga world elite triathlete ang inaasahang mga magpapakayod sa libong atleta, na atat nang mga humarurot para sa 4th IRONMAN 70.3 Davao Philippines 2024 sa Davao City sa Linggo (Aug. 11).

Nakataya ang mga puwesto para sa 2025 VinFast IRONMAN 70.3 World Championships sa Nov. 8-9 sa Costa Del Sol, Marbella, Spain. Dagdap pa sa kaganapan ang mga upuan din sa top five finishers ng bawat age group category para naman sa IRONMAN Women’s World Championships sa Nice, France sa Sept. 22.

Tampok sa blue-ribbon event, powered by Aboitiz at inoorganisa ng The IRONMAN Group, ang mapaghamonbg 1.9 km swim, 90 km bike, 21.1 km run.

Sakalam ang grupo ng mga dayuhan sa kababaihan ka kabibilangan nina Rachel Chow ng Hong Kong, Man Ling Lo at Hui Juin Lim ng Singapore, Spain’s Monica Monfort Roca, Vietnam’s Thao Nguyen at Link Tran, Oman’s Reem Al Harthy, India’s Pawni Sakpal, at Japan’s Shiho Sato at Akari Koge.

Bibida sa hamon ng local sina Jessica Palermo, Rara Torres, at Alessandra Aquino, susuportahan ng kapwa Pinay athletes na sina Sophia Capistrano, Chloe Ong, Natasha Doromal-Lim, Shirra De Guia, Faith Garcia, Kate Labio, Veronica Silos, at Geraldine Dela Cruz.

Sasabak sa taong itong IRONMAN 70.3 Davao ang mahigit 1,000 mga atleta mula sa 31 bansa. Kabilang dito ang 35 Japanese, 19 Singaporeans, 10 Vietnamese, at pito bawat isa buhat sa India, China, Great Britain at United States.

Highlight dito ang Coastal Road, 17.3 km composite highway. Masusubukan ang lakas at tibay ng mga manlalaro sa challenging course, lalo na sa closing run stage.

Maintensidad din ang labanan sa swim at bike segments, na rito’y kailangan ng bawat isa na magpundar ng kalamangan at kumpiyansa patungo sa huling bahaging ratratan sa tabuhan pa-meta.

Mga iisponsoran ng Aboitiz at Ion+ Advanced Electrolyte Drink, parte ito ng Davao City’s 39th Kadayawan Festival, na may celebratation sa local cuisine, tribal products, at cultural showcases.

Samantala pakakawalan ang 2GO Gwapa Dabawenya 5K Fun Run sa Biyernes (Aug. 9) na magbubukas sa IRONMAN 70.3 weekend na may 2,000 babae ang kakaripas.

Ang IRONKIDS event naman ay lalargahan sa Sabado (Aug. 10), na may run-bike-run para sa mga athlete na may 6-15 taon, kasama ang RLC Residences bilang main sponsor. Idaraos din ang special IRONKIDS 3K/1K para sa 11-15 at 6-10 age brackets.

Sa mga detalye pa, bisitahin ang ironman.com/im703-davao-philippines.

Mga papadrino rito ang VinFast, Active, HOKA, ROKA, Breitling, Athletic Brewing Co., FulGaz, Hyperice, Qatar Airways, Santini, AG1, Wahoo, Always Advancing, Compressport, Ekoi, Nirvana, Outside+ at Sportograf. (Abante TONITE Sports)

The post Mga atleta sa IRONMAN 70.3 maglalaban pa-France, Spain first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments