Pera ng mahirap ‘wag pakialaman!

Binasag ng Unyon ng mga manggagawa ng PhilHealth ang kanilang katahimikan sa usapin ng halos P90-bilyong pisong pondo ng ahensiya namula sa kontribusyon ng mga miyembro.

Ayon sa Unyon ng PhiHealth, malinaw angitinatakda ng Universal Health Care Act, anumangsobrang pera na mayroon ang PhilHealth dapatitong gamitin sa kapakinabangan ng mgamiyembro at hindi dapat ilipat sa anumangproyekto na labas sa itinatakda ng batas.

Ayon pa sa Unyon nakasaad din sa batas naanumang sobrang kita sa reserved fund ay dapatipangtustos para sa mga karagdagang benepisyoat bawasan ang kontribusyon ng mga miyembro.

Hindi masikmura ng Unyon ng PhilHealth angposibilidad na masayang ang bilyong halaga kapagnapunta sa national treasury.

Bakit?

Mawawalan na kasi ng kontrol ang mga miyembrosa kanilang kontribusyon dahil magiging bahagi naito ng national fund na pwedeng kalikutin ng Department of Finance, Department of Budget and Management at ng Kongreso dahil sa tinatawag na“power of the purse.”

Hindi biro ang halagang mawawala sa mgamiyembro ng PhilHealth.

Hanggang sa ngayon ay panaginip pa rin angpagkakaroon ng libreng pagpapagamot ang lahatng mga Filipino. Ang halos P90-Billion pesos naplanong ilagak sa National Treasury ay malakingtulong sa pangangailangang- medikal ng mgaFilipino.

Ang mga senior citizen ay kailangan pang bumiling karagdagang health care package sapamamagitan ng HMOs para sa kanilang “regular checkup” at hindi lahat ng mga senior citizen ay kayang bumili ng mga health insurance.

Kaya nararapat na ang sobrang kita ng PhilHealthay hindi napapakialaman dahil sa ‘kapritso’ lamangng mga nasa pamahalaan.

Mula ito sa dugo at pawis ng mga ordinaryongFilipino, na ayon nga kay Economic Planning Secretary Arsenio Balisacan ay hindi namaituturing na mahirap basta mayroong higit saP60-piso sa kanyang bulsa.

Kung hindi mahirap ano ang tawag dito? Eh di mayaman, kaya sa pananaw ng mga ‘boy henio’ sagobyerno, pwede nang ilarga ang pondo mula saPhilHealth dahil mayayaman ang mga miyembro.

Ang isa pang pwedeng mangyari at ito angkinatatakutan ng mga miyembro ng PhilHealth, malamang na mapunta ang kanilang kontribusyonsa Maharlika Investment Corp, na hangang sangayon ay hindi pa rin umusad dahil sa kakulanganng pondo.

Wala na bang mapagkukunan ng pondo at pati angpera ng mga maliliit na Filipino ay gustongpakialaman?

Kung hikahos ang gobyerno sa pondo, bakit hindisilipin ang perang nakalaan sa ‘pork barrel’ ng Kongreso na puro milyonaryo ang mga miyembro?

The post Pera ng mahirap ‘wag pakialaman! first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments