Putol na katawan bumulaga sa batuhan

Isang putol na katawan ng tao ang bumulaga sa mga residente ng isang barangay sa Burgos, Pangasinan na nakapatong sa batuhan habang hinahampas ng alon, ayon sa Pangasinan Police Provincial Office (PPPO) kahapon.

Ayon sa PPPO, base na rin sa report ng Burgos Police Station (BPS), nagulantang ang ilang residente ng Barangay Ilio-Ilio ng nasabing bayan nang maispatan ang baywang pababa ang putol na katawan ng tao noong Linggo (August 4).

Sinabi ng BPS, lalaki ang nakitang putol na katawan na nakasuot ng asul na pantalon at sinturon na kulay berde.

Sa imbestigasyon, nakilala ang biktima na residente ng Sual, Pangasinan na ilang araw nang nawawala.

Ayon sa pulisya, nakilala ang katawan dahil sa kaniyang sinturon na regalo umano ng anak.

Patuloy ang follow up investigation ng pulisya para malaman kung ano ang pinag-ugatan ng inidente at kung nasaan ang iba pang parte ng kanyang katawan.

“Ongoing pa ang ating investigation as of today. Wala silang parang alam na motibo ng pagkawala niya at kung anong nangyari sa kaniya,” ani BPS deputy commander P/Lt. Reggie Fernandez. (Allan Bergonia)

The post Putol na katawan bumulaga sa batuhan first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments