PBBM, Carlos Yulo, mga atleta sa Paris Olympics kitakits sa Palasyo

Nakatakdang mag-courtesy call kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang double gold winner na si Carlos Yulo kasama ang iba pang atleta na sumabak sa 2024 Paris Olympics.

Ayon sa Presidential Communications Office, inaasahang darating sa Martes ng hapon ang delegasyon ng mga atleta na lumahok sa Paris Olympics at sasalubungin ito ng kanilang mga pamilya sa Villamor Air Base sa Pasay City.

Nabatid na didiretsto sina Yulo at iba pang atleta sa Philippine International Convention Center (PICC) kung saan sasalubungin sila ng mga opisyal ng gobyerno at magkakaroon ng “Heroes’ Parade” sa mga pangunahing kalsada sa lungsod ng Maynila at magtatapos sa Malacañang.

Pagdating sa Malacañang ay sasalubungin sila nina Pangulong Marcos at Unang Ginang Liza Araneta Marcos, at kasunod nito ang isang programa.

Inaasahang paparangalan ng Pangulo sina Yulo at iba pang Olympians kasabay na rin ang pagbibigay ng insentibo sa mga atleta na lumahok sa 2024 Paris Olympics. (Aileen Taliping)

The post PBBM, Carlos Yulo, mga atleta sa Paris Olympics kitakits sa Palasyo first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments